So I'm going to start my chika here. Since Friday up until now were the horrible days of my life. Friday night was pretty fucking night. Randy, I used to call him "Kuya" before was here, together with his other friends. They used to stay in our house before, drinking and having chit-and-chat, but those days were ruined when he did something that made me so so so mad. You know, I really don't like 'papansing tao' at sobrang makulit. I hate them, they were crap! The rest was a history, but last Friday, the History repeated itself. Alam mo yun, alam mong galit na ko sayo, so what the hell are you thinking na papansinin pa kita? At alam mo yun, may kausap ako, ano to bastusan? Uso na pala yun ngayon. Wait, okay kalma lang. Even na it was four days ago, pag naaalala ko yun, kumukulo talaga dugo ko sa kanya. Maawa na siya sa sarili niya at wag na siyang magpakita sakin. (Taray! Chos lang!) At iyon din ang araw na nagsisimula nang dumaloy sa dugo ko ang pagiging rebelde. With that incident, nagbago tingin ko kina Mama. Lalo na sa Papa ko. Tang inang alak na yan, bakit pa naimbento yan. Punyetang alak na yan talaga. (Sorry sa mga nakakabasa ng blog na toh. Di ko mapigilan ang aking sarili.)
So dumako naman tayo ng Sunday. Magma Monday na yun, so gamitin na natin ang araw na Monday. Monday morning, around 12 am na kasi yun, naalala ko na may assignment kami sa Journ so nag online ako. Pinag online ko rin si Wel. Okay naman kami, chat, usap ganon. Pinasa ko kay Ruvie yung assignment ko para siya na mag ayos nun. So okay na si Journ. Balak ko na talaga matulog nun, pero ewan ko, naisipan kong buksan yung facebook niya dahil pwede namang dalawang fb account sa chrome. Akala ko, AKO LANG ang ka chat niya nun. Kampante ako ng mga panahong yun. Pagkakita ko sa mga messages, okay, nagsimula na kong maloka. Marami akong nabasa. An tagal niya magreply sa chat, yun pala hindi lang ako yung ka chat niya. An sakit dba. Tas eto pa, okay lang kung friend niya e, alam mo yun, yung casual na usap lang. Okay lang naman sakin yung ganon e. Pero eto yung napaka sakit na part, imemention ko na. (Mga teh! Di ako makapag move on e! Kailangan kong ilabas toh!)
After reading such conversation, I just cried. I can't believed that he can do it again. Yes, you read it right, AGAIN. Ginawa na niya rin yung ganito before, una kay Mitch and then last time, kay Malou. He promised that it was me he really loves. And ONLY ME. But I was wrong :( I didn't replied on his texts even answering his phone calls. An sama talaga ng loob ko sa kanya. Di ko masasabing tampo e, kse kung tampo lang, kaya kong sagutin yung tawag niya on his third try. Pero di ko kayang sagutin dahil baka kung ano lang masabi ko sa kanya. Kung anu-ano na tinetext niya. Tiniis ko yun kahit di ko kaya. Pero kailangan kong gawin yun para iparamdam sa kanya na galit talaga ako. Before 6 am yung usual na gising ko, pero that time, 5 am pa lang ako nakatulog. Puyat plus eyebag, bonus pa ang pimple pag gising mo, ang saya talaga magmahal di ba? Buti na lang di ko sabog during class hours.Naiwan ko pa phone ko nun, for the first time! Wala talaga ako sa sarili, obviously. Ewan ko, contrary dun, napaka hyper active ko raw ng mga panahong yung. Pero ang sakit ng mata ko. Bigla na lang tutulo yung luha sa mata ko. Muntanga tuloy ako. Di ko siya tinext ng buong araw. Tiis pa rin. Kahit gusto ko na siyang makita, nasa isip ko pa rin yung ginawa niya. Di ako ma pride, pero may tinitira lang akong respeto sa sarili :/ So nung gabi, pinilit niya talagang makipag-usap sakin. Di pa raw kasi siya natutulog at kumakain non (sbe niya). Nag usap nga kami kahit pinipigilan kong sampalin siya, bugbugin at sigawan. Sayang ang poise, kaya wag na lang. Saka mahal ko e. Tengeneng yan. Nahihirapan talaga ako mag desisiyon kung kaya ko pang ituloy yung relasyon namin. Sobra sobra na kong natatakot ngayon dahil alam kong nagawa na niya ng dalawang beses, baka ang mangyari maulit ulit yun. Pinagbigyan ko siya, HULING PAGKAKATAON. Mahal ko e, magagawa ko?
Mahal na mahal ko talaga siya. Natatakot na nga kong mawala siya sakin. Pero kung hindi talaga ako yung magbibigay ng pagmamahal at atensyon na hinahanap niya, kaya kong magparaya. Lagi niya kong tinatanong kung may nanliligaw sakin o nagpaparamdam. Actually wala talaga. At kung meron man, di ko siya kayang palitan. Sinabi nga niyang babaero siya at playboy at alam ko yun. Kaya nga alam kong may pupuntahan siya kung mawawala man ako sa buhay niya. Ngayon nga lang kami pa, naghahanap na siya e, what more kung di na talaga kami di ba? Ang masakit lang, ayaw na raw niya pagkatiwalaan ang mga babae. Sinabi niya na sakin yun dati nung nag away kami, di na niya ko kayang paniwalaan kahit alam ko sa sarili ko na totoo ako sa kanya. Pero ang lumalabas ngayon, ako dapat ang di magtiwala. Sabi nga sakin ni Jc, nakahanap na raw ako ng katapat ko. Oo, mas matindi pa skin. Wala akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko dahil alam kong tama yun at dun ko napatunayang mahal na mahal ko talaga siya. Habang ginagawa ko ang blog na to, naiiyak pa rin ako. Oo, napatawad ko na siya, pero sinabi ko sa kanya na hindi pa rin maaalis sakin na masaktan ako sa ginawa niya. Saka bago pa lang naman e. Kaya ko lang din blinog toh para makalimutan ko na yun. Habang binabasa ko yung mga text niya na hindi ko pa nabubura sa phone ko, iniisip ko na sana totoo lahat yun. Sana hindi na maulit, sana mawala na rin yung takot ko.
Share ko lang toh. Hindi ako emo, wag niyo masyadong seryosohin. Maganda toh! Kasing ganda ng Mama niyo:
O-town - All Or Nothing At All Mp3
Mp3-Codes.com
No comments:
Post a Comment