Saturday, November 27, 2010

JANSEN :)

'eve :) another exhausting day, but this day is a weird one.
may nagbago ba? wala naman di ba. why do people tell me, you look different Maj. uh.uh. ano bang meron.
eff.. so weird!

hayy. sa blog na lang lagi mag eemote? BAKIT? haha. ako lang ata weird ngayon. at di sila.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••


siyam na taon na pala ang nakakalipas. siyam na taon ko pa rin siyang hinahanap.
dati uso friendster, so sa friendster ko siya hinanap.
ngayon may facebook, tumbler, plurk at twitter na.
wala pa din sia.

di ko na maalala ang buong pangalan niya. isang pangalan lang ang alam ko, na siya si "Jansen".
kaklase ko noong grade one at sa pagkakatanda ko, pati noong grade two.
siya ang unang lalaking naging crush ko kahit sabihin pa nating bata pa talaga ako ng mga panahong yon.
wala pa kong nasasabihang iba tungkol dito.
kaya nga hanggang ngayon hinahanap ko pa din siya at patuloy pa din akong umaasang makikita ko siya uli.
weird ko di ba? ewan ko ba.
simula lang kasi ito noong mapanaginipan ko siya na siya ang kasama ko pagtanda.
napaka futuristic nito. at kung iisipin, sa murang edad kong yon, iyon ang napanaginipan ko.
siya ang unang lalaking napanaginipan ko ng ganon.
at naalaala ko pa ang araw na sinabi niyang crush niya ko. ang bata bata ko pa pero an landi na nuh? :)

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

nobyembre 16, 2002. biyernes noon.
nagsasanay kami para sa MTAP.
wala silang klase noon at kami ay nagsasanay katapat ng classroom nila.
naka upo siya roon. tanaw niya ako at tanaw ko din siya.
lumapit siya noon sa akin at kumanta.
siyempre bata, mali ang lyrics.
pero okay lang yon.
nakakatuwa dahil unang beses yon mangyari sa akin.
(nagsisimula na kong umiyak.. :)
at iyon ang una kong narinig ang kantang yon.
musika sa pandinig ko. at kahit siguro bumalik ako sa panahong yon papayag ako.
at sinabi na niya ang dapat kong malaman..

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

mga araw, buwan at taon na ang lumipas.
nakalimot na ko. at marahil maging siya.
ngunit, isa siya sa mga taong di ko man tanda ang pangalan, may naiwan sa akin alaala.
sana nga mahanap ko siya. gusto ko siyang maging kaibigan ulit.

an drama ng buhay ko. siguro nga, tama ang kursong kinuha ko.
may kalayaan sa pagpapahayag.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

ang kantang ito ang palagi pa ring nasa puso ko.
kahit mali ang lyrics nang kantahin niya yon, may isang bahagi naman sa buhay ko ang tinama niya.
title pala nito ay stay the same :)




Free MP3 Downloads at MP3-Codes.com